"KAHALAGAHAN NG TEKNOLOHIYA SA PAG-AARAL"

 Ang Teknolohiya ay isa sa pinakaimportanteng mapag-kukuhaan ng impormasyon ng mga magaaral  sa panahon ngayon sa pamamagitan ng cellphone , laptop , computer , at projectors.  Sa pamamagitan ng pagsearch ay makikita mo na ang hinahanap mong impormasyon hindi katulad noon na kailangan pa ng mga libro upang mahanap ang mga kailangang impormasyon. 


Isang mahalagang bahagi ang teknolohiya upang mas maayos na maipakita ang mga aralin na itinuturo sa loob ng klase. Marami ng imbentong teknolohiya simula pa noong mga nakalipas na siglo. Ngunit sa makabagong panahon ngayon ang pinakamalawak at pangunahing   instrumento na ginagamit sa edukasyon ay ang mga kompyuter na maaring maka-access ng internet. Ang Internet ay mas lalong mahalaga dahil kung walang internet ay di mo magagamit ang kahalagahan ng kaalaman o di ka makakapag  siyasat ng iyong hinahanap. Mas epektibong naibabahagi ng mga estudyante   ang kanilang leksyon nang dahil sa internet.


Ang simpleng prodyektor na ang ginagamit sa mga klasrum ng mga estudyante. Ito ay may kakayahan na palakihin ang mga imahe upang mas maayos na maipakita ang mga halimbawa ng mga tagapagturo.


 Ang kahalagahan namn ng prodyektor ay natutulungan ang mga guro na maipakita ang biswal na larawan ng kanilang itinuturo at makita ang mga halimbawa ng kanilang inaaral ng sa ganon ay madaling maiintindihan at mauunawaan ang kanilang paksa. 



Comments

Post a Comment